*Cauayan City,Isabela- *Umabot sa mahigit 10 milyong piso ang inisyal na pinsala sa sektor ng imprastraktura sa Lungsod ng Ilagan matapos makaranas ng malawakang pagbaha sa malaking bahagi ng siyudad sa mga nagdaang araw.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction Management Office, ilan sa mga apektadong barangay ay kinabibilangan ng Cadu, Bintacan, Batong Labang, Bangag, Alinguigan 1st, Sta. Isabel Norte, Baculod, Cabisera 10, Marana 2nd, Marana 1st at Sipay.
Kabilang sa mga nasira ay ang streetlights, railings ng mga tulay at mga daan na kinukumpuni habang totally damaged ang 5 kabahayan na sakop ng Brgy. San Ignacio, Batong Labang at Camunatan.
Kaugnay nito, mahigit sa labinlimang libong pamilya ang apektado pa rin ng naranasang pagbaha sa malaking bahagi ng lungsod.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa rin ang clearing operation sa mga kabahayan at lansangan dahil sa makapal na putik dulot ng pagbaha.