Target ng Philippine National Police (PNP) na magtayo ng 127 bagong istasyon o himpilan ng pulisya sa buong bansa ngayong taon.
Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ito ay para maging mas epektibo ang PNP sa paghahatid ng serbisyong pangkapayapaan at kaayusan sa mamamayan.
Sa pamamagitan din aniya ng mga karagdagang istasyon ay mas mapaghuhusay ang administratibong sistema ng Pambansang Pulisya.
Samantala, sinabi naman ni PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ₱1.44 billion mula sa aprubadong budget ng PNP para sa 2024 ang nakalaan para sa pagtatayo ng 127 bagong istasyon sa 13 police regional offices sa bansa.
Facebook Comments