Mahigit 100 Chinese vessels, naispatan sa WPS

Nasa 104 na mga barko ng China ang na-monitor ng Philippine Navy (PN) na nakapalibot sa walong isla na inookupa ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).

Sa datos ng PN, ang nasabing vessels ng China ay na-monitor mula July 23 hanggang July 29, 2024.

Mas mataas ito kumpara sa 80 Chinese vessels na namataan sa WPS noong July 16 hanggang July 22, 2024.


Ang 104 na Chinese ships ay kinabibilangan ng 11 China Coast Guard (CCG) 6 na People’s Liberation Army Navy (PLAN) at 87 Chinese Maritime Militia Vessels (CMMVs).

Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for the WPS Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, bumalik sa mahigit 100 ang mga Chinese vessels sa WPS dahil nuong mga nakalipas na linggo ay masama ang panahon at mataas ang alon kung kaya’t napilitan silang mag take shelter.

Facebook Comments