Mahigit 100 foreign vessels namataan ng PCG at BFAR sa West Philippine Sea

Mahigit 100 na mga barko ng dayuhan ang namataan sa iba’t ibang bahagi ng West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela, nakita ang mga ito sa pagpapatrolya sa himpapawid katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa Maritime Domain Awareness flight, nakita ang isang Chinese hospital ship, dalawang China Coast Guard vessel, at 29 na Chinese Maritime Militia vessels na nakaangkla Sa Zamora Reef.

Sa Pag-asa Cay, nakita ang Vietnamese survey vessel na KN-374.

Sa Rurok Island, dalawang Vietnamese fishing vessel at isang Vietnam Coast Guard vessel ang nakitang nakaangkla.

Sa Julian Felipe Reef, umabot sa 38 ang bilang ng Chinese maritime militia na karamihan ay magkakatabing nakadaong habang ang iba ay nakakalat sa paligid.

Sa Pagkakaisa Banks, 34 na Chinese militia vessels ang sabay-sabay ding namonitor, habang sa Panganiban Reef, may mga hindi pa natutukoy na mga sasakyang-pandagat sa loob mismo ng lagoon.

Samantala, sa Escoda Shoal, namataan ang isang People’s Liberation Army Navy vessel na may bow number 539 at paulit-ulit umanong nag radio challenge sa eroplano natin na nagpapatrolya kahit malinaw na nasa loob sila ng teritoryo ng Pilipinas.

Layunin ng mga pagpapatrolya na bantayan ang yamang-dagat, suriin ang lagay ng mga fisheries resources, at tiyaking ligtas ang mga mangingisdang Pilipino sa West Philippine Sea.

Facebook Comments