Mahigit 100 iba’t ibang nationality, hawak ng Hamas – Amb. Fluss

Inihayag ni Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss na mahigit 100 indibidwal ang bihag ngayon ng Hamas group.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Ambassador Fluss na hindi lang mga sundalo at kalalakihan ang mga dinukot ng Hamas group na sa halip maging mga kababaihan, mga bata at mga nakatatanda.

Ayon pa kay Fluss, ilan sa mga nationality na bihag ngayon ng Hamas Group ay Thai, Cambodian at may pitong unaccounted o missing na mga Pilipino.


Tiniyak ni Fluss na ginagawa ng Israel government ang lahat para mailigtas ang mga bihag.

Isa naman sa natukoy ni Fluss na demand ng Hamas Group sa Israel government para palayain ang kanilang bihag ay pakawalan ang mga kasamahan nilang matagal nakakulong sa Israel.

Samantala, bukod sa bihag ay kinumpirma rin ni Fluss na 900 ang naitatalang nasawi sa nagpapatuloy na giyera habang 2,600 naman ang sugatan.

Ang mga bilang ng mga nasawi at nasugatan ay inaasahan pa ayon kay Fluss dahil mas magiging matindi ang kanilang gagawing pag-atake laban sa Hamas group.

Facebook Comments