Mahigit 100 illegal alliens, arestado ng Bureau of Immigration

Arestado sa raid ng Bureau of Immigration (BI) ang 105 Foreign National sa isang business process outsourcing (BPO) company sa Biñan, Laguna.

Ayon kay Commissioner Jaime Morente, walang kaukulang dokumento ang mga dayuhan para magtrabaho sa bansa

Aniya, tanging Tourist Visa lang ang hawak ng mga ito.


Kabilang sa mga naaresto ang 97 Chinese, apat na Indonesians, tatlong Malaysians, isang Vietnamese at isang Laotian.

Na-rescue din sa operasyon ang isang 17-anyos na babae na pinaniniwalaang biktima ng Human Trafficking.

Ikukulong muna sa holding facility ng B-I sa Bicutan, Taguig ang mga naaresto hanggang sa matapos ang deportation preoceedings.

Facebook Comments