Mahigit 100 inmate ang ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng executive clemency kasunod ng rekomendasyon ng Department of Justice.
Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, binusisi nang husto ng Malacañang ang listahang isinumite ng DOJ para sa mga karapat-dapat na mabigyan ng executive clemency.
Mula sa New Bilibid Prisons, correctional institution for women, at sa ilang penal colony na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Bureau of Corrections ang pinaborang bilanggo.
Aniya, pinaikli ang sentensya ng ilan sa mga nasabing bilanggo.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZX, Manila
Facebook Comments