Mahigit 100, isinugod sa ospital matapos mabiktima ng hinihinalang chemical leak sa England

World – Aabot sa isang daan tatlumpu’t tatlo ang ginagamot ngayon sa Eastbourne District General Hospital dahil sa hinihinalang chemical leak sa Southeast England.

Ayon sa ulat, lumikas ang mga tao sa birling gap beach sa Sussex Coast matapos makaranas ang mga ito ng hirap sa paghinga, pagsusuka at paghapdi ng kanilang mga mata.

Inaalam na ng mga pulis sa Sussex kung chemical haze ang sanhi ng naturang insidente.


Facebook Comments