Manila, Philippines – Papalo sa mahigit isan- daang kabataan ang nag volunteer para tumulong ngayong undas dito sa Manila North Cemetery.
Ayon kay Manila Youth Bureau OIC Robin Reyes ang mga nasabing kabataan ay binubuo ng ibat ibang Youth Organization sa Maynila.
Paliwanag ni Reyes dahil Sembreak ngayon ay layon din ng mga Youth Organizations na makatulong at tinipon nila ang kanilang mga kagamitan para maibahagi at binigyan din ng seminar ng MMDA para makapag bigay ng tulong ngayon Undas.
Kabilang sa mga tulong na nakahandang ibigay ng mga kabataan ay ang first aid, reporting ng mga untowards incident aa loob ng sementeryo, pag mamarshall at kahit pag tutulak ng mga wheelchair ng mga senior citizen.
Nilinaw naman ni Reyes na ang mga nabanggit na kabataan ay pawang mga volunteers at walang kahit anong allowance.