Mahigit 100 kalsada at tulay sa Mindanao, nananatiling hindi madaraanan ng mga motorista

Unpassable pa rin ang ilang kalsada at tulay sa Regions 10, 11 at CARAGA matapos makaranas ng matinding pag-ulan at baha bunsod ng epekto ng northeast monsoon at trough ng low pressure area (LPA).

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang dito ang 101 mga kalsada at 20 tulay.

Ilan sa mga ito ang Mt. Diwata Road, Poblacion, Cambagang, New Panay, Coronobe, Paloc, Mabugnao, Magcagong, Poblacion sa Davao de oro.


Mayroon din namang mga kalsadang 1 lane passable o pwedeng daanan basta’t light vehicles lamang.

Sarado rin ang ilang tulay tulad ng San Roque bridge, Luzon, Magdug at Dugmanon bridge.

Samantala, sa ngayon nananatiling baha sa 289 na mga lugar sa Regions 10, 11, CARAGA at BARMM kung saan nakapagtala din ng landslide sa kaparehong mga rehiyon.

Sa ngayon, pumalo na sa 324, 040 pamilya o katumbas ng mahigit 1.1M indibidwal ang apektado ng sama ng panahon sa Regions 10, 11, 12, CARAGA at BARMM.

Facebook Comments