112 na indibidwal na ang nahuli na lumalabag sa Anti Smoking Ordinance ng syudad sa loob lamang ng mahigit 2 linggo.
Ayon kay City Public Safety Officer Sr. Supt. Rollen Balquin (Retired PNP), sinimulan ang istriktong pagpapatupad ng ordinansa noong lamang a-bente ng Marso nitong taon at umabot na kaagad sa mahigit 100 ang kanilang nalambat.
Sinabi pa ni Balquin na pinagmumulta ng P500.00 ang first offenders samantalang community service naman ang sa mga walang pambayad.
Binigyang diin ng opisyal na mahigpt nang ipinagbabawal ang paninigarilyo sa pampublikong sasakyan, commercial places tulad ng malls, restaurants, at hotels, bawal din sa mga eskwelahan, opisina, , sidewalks, palengke, ospital at sa open areas.
Ang panghuhuli sa mga naninigarilyo sa mga ipinagbabawal na lugar sa syudad ay ipinatutupad ng City Public Safety Office, City PNP, Traffic Management Uit at Traffic Mangement Center.(photo credit:CMatty.Cyn In action)
Mahigit 100 katao, huli sa paglabag sa Anti Smoking Ordinance ng lungsod!
Facebook Comments