Mahigit 100 klase suspendido pa rin dahil sa Bagyong Maymay

Lumobo pa sa 102 na mga klase ang nasuspinde dahil sa masamang panahon dulot ng Bagyong Maymay.

Batay ito sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga.

Partikular ang class suspensions sa Region 2, CALABARZON at CAR.


Sa nasabing bilang 85 dito ang mula sa Region 2, 8 sa CALABARZON at 9 sa CAR.

Samantala, iniulat din ng NDRRMC na 10 tanggapan ng pamahalan ang nagsuspinde rin ng trabaho dahil pa rin sa bagyo kung saan 9 mula sa Region 2 at 1 sa CALABARZON.

Sa ngayon, 91 pamilya o 261 indibidwal ang isinailalim sa preemptive evacuation mula sa Region 2.

Facebook Comments