Mahigit 100 Libong Halaga ng Dried Marijuana, Kinumpiska sa Vegetable Dealer

151

*Cauayan City, Isabela*- Naaresto ng mga awtoridad ang isang vegetabe dealer na itinuturing na High Value Target ng PDEA sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal (NVAT), Brgy. Almaguer North, Bambang, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang suspek na si Jan Louie Mamaril, 27 anyos, at residente ng Brgy. Macate, Bambang, Nueva Vizcaya.


Tinatayang nasa mahigit 100,000 libong piso ang halaga ng mga nakumpiskang droga laban sa suspek at nahulihan din ito ng isang hand grenade.

Maliban dito, nakumpiskahan din ang suspek ng lighter, sigarilyo, motorsiklo na pinaniniwalaang ginagamit sa kanyang iligal na operasyon.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comrehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.

Facebook Comments