Mahigit 100 lungsod at lalawigan sa bansa, inilagay sa highest COVID-19 alert ng DOH

Umabot na sa 89 percent o 108 na mga lungsod at lalawigan sa bansa ang isinailalim ng Department of Health (DOH) sa Alert Level 3 at 4 dahil sa sa tumataas na kaso ng COVID-19.

Ayon kay Health Epidemiology Bureau Director Dr. Alethea de Guzman, ang natukoy na 108 na mga lungsod at lalawigan ay mahigit 70 percent na ang bed at Intensive Care Unit (ICU) utilization rate.

Ang Alert Level 4 ay tumutukoy sa mga lugar na nasa moderate hanggang critical-risk na ang healthcare utilization rate na mas mataas sa 70 percent.


Habang ang Alert Level 3 ay mga lugar na nasa moderate hanggang critical-risk din pero nasa 50 hanggang 70 percent ang healthcare utilization rate.

Sinabi pa ni De Guzman na nakikitaan nila ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ang ibang lugar sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Facebook Comments