Hindi pa rin naibabalik ang suplay ng kuryente sa 102 lungsod at munisipalidad sa bansa dahil sa epekto ng Bagyong Egay at habagat.
Ayon na National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), ang wala pa ring kuryente ay mula sa Region 1, 2,3, CALABARZON, Region 5, 6 at Cordillera Administrative Region (CAR).
Habang 210 namang suplay ng kuryente ang naibalik na mula sa kabuuang 312 na mga lungsod at munisipalidad na naapektuhan.
Samantala, 50 lugar din sa Region 1 ang hindi pa rin naibabalik ang linya ng komunikasyon habang dalawa naman sa Region 2.
Facebook Comments