Mahigit $100-M infrastructure investments mula sa bago at existing EDCA sites, ilalaan sa katapusan ng fiscal year 2023

Ilalaan para sa alokasyon ang mahigit $100 million sa infrastructure investments mula sa bago at existing Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sites sa katapusan ng fiscal year 2023.

Sa joint media briefing kasama ang mga opisyal ng Amerika at Pilipinas, sinabi ni US Secretary of Defense Lloyd Austin III na ang nasabing investments ay lilikha ng mga trabaho at paglago ng ekonomiya ng local communities ng Pilipinas.

Malugod namang tinanggap nina Philippine Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo at Department of National Defense Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr., ang naging hakbang ng US para suportahan ang ating bansa sa pamamagitan ng naturang kasunduan.


Iginiit naman ng DFA chief na nakatakda pang pag-usapan ang extent ng paggamit ng apat na bagong EDCA sites sa bansa.

Dagdag pa ni Austin na ang planong pagkakaroon ng apat na bagong EDCA sites sa Palawan at Northern Luzon ay maggagarantiya na ang dalawang bansa ay mas handa para sa mga posibleng maranasang krisis sa hinaharap.

Facebook Comments