Mahigit 100 mga mananakay, naserbisyuhan ng pag-arangkada ng unang araw ng ‘RMN Biyahenihan’

Umaabot sa109 ang mga pasahero na nabigyan ng serbisyo sa pamamagitan ng libreng sakay sa unang araw ng pag-arangkada ng ‘RMN Biyahenihan’.

Simula kaninang umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ,umiikot mula Cubao Terminal sa Quezon City patungong Welcome Rotonda ang RMN Biyahenihan Jeep.

Kabilang sa nabenipisyuhan ay mga estudyante, senior citizen at may mga kapansanan.


Bukod sa libreng sakay ay may cash prize pa na P100.00 sa mga pasaherong makakaupo sa may sticker na RMN Biyahenihan sa mga upuan.

Ayon kay Rey Camacho, jeepney driver, malaki ang naitulong ng libreng sakay ng RMN Biyahenihan sa kanilang mga nagmamadaling pumasok sa trabaho bukod pa sa malaking katipiran.

 

Ang RMN Biyahenihan ay tatagal ng dalawang araw, katuwang ang Alagang SeaOil, iFM at DZXL .

Facebook Comments