Nagpahayag nang kagustuhang umuwi na dito sa Pilipinas ang 115 na mga Pilipino sa Sri Lanka sa harap nang nararanasang tensyo sa lugar.
Una nang iniakyat ng Department of Foreign Affiars sa Alert Level 2 ang sitwasyon sa Sri Lanka.
Sa Laging handa briefing sinabi ni Foreign Affairs Usec. Eduardo Jose de Vera na mayroong kabuuang bilang o nasa 700 Pilipino na nananatili sa Sril Lanka ngayon.
Sinabi ng opisyal na prayoridad nila ngayon ay mabigyan ng plane ticket mga Pilipinong nais nang bumalik dito sa bansa.
Hindi pa aniya sila makapag-ayos ng sweeper flights lalo’t hindi pa nagbibigay ng landing rights ang pamahalaan ng Sri Lanka.
Inaasahan aniya na sa susunod na dalawang linggo, magsisimula nang magsiuwian ang mga Pilipinong ito.
Paalala naman ng opisyal sa mga Pilipino sa Sri Lanka na manatiling magingat, at huwag makisali sa mga protesta doon.