Mahigit 100% na pagtaas sa daily subsistence allowance ng mga sundalo, tiniyak ng liderato ng Kamara

Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mahigit 100 porsyentong pagtaas sa daily subsistence allowance ng mga ito simula sa susunod na taon kaya mula sa kasalukuyang 150 pesos ay maitaas na sa 300 pesos.

Pahayag ito ni Romualdez sa isinagawang House of Representatives-Armed Forces of the Philippines (AFP) Southern Luzon Command (SOLCOM) fellowship sa Camp Nakar sa Lucena City na dinaluhan ng mga lider ng Mababang Kapulungan, mga lokal na opisyal, at mga opisyal ng militar sa pangunguna ni SOLCOM Chief Lt. Gen. Facundo Palafox IV.

Ayon kay Speaker Romualdez, P15B pondo ang kakailanganin para sa pagtataas sa subsistence allowance na isasama sa panukalang 2025 national budget.


Binanggit din ni Romualdez na inaprubahan na rin ng Kamara ang panukala na layuning matiyak na mayroong pondo ang pensyon system ng mga beterano at mga retiradong sundalo, at kanilang ding isinulong na malagyan ng pondo ang mga lugar na naideklara ng communist insurgency-free.

Facebook Comments