Umaabot na sa 108 ang mga nabiktima ng riding-in-tandem o magka-angkas sa motorsiklo simula noong Enero ng kasalukuyang taon kung saan 85 ang namatay.
60 sa mga biktima ay sibilyan, 11 ang pulis, 16 ay government officials, isa ang guro at iba pa.
Lumabas ito sa ika-anim na pagdinig ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Senator Richard Gordon ukol sa implementasyon ng Motorcycle Crime Prevention Act.
Sa datus naman ng Philippine National Police, simula noong 2016 hanggang January 2021 ay 19,777 na krimen na ang kinasangkutan ng riding-in-tandem ang nai-report sa kanila.
Kinabibilangan ito ng mga kaso ng murder, homicide, physical injuries, carnapping at iba pa.
Dahil dito ay muli na namang nagalit si Gordon dahil atrasado pa rin ang pag-iisyu ng plaka ng motorsiklo na makakatulong sana para mapigilan ang krimeng kagagawan ng riding-in-tandem.