Mahigit 100 naghain ng COC sa pagkasenador, posibleng ideklarang nuisance candidates – Comelec

Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang inisyal na listahan ng mga naghain ng certificate of candidacy (COC) para sa senador na posibleng makasama sa balota para sa 2025 midterm elections.

Ayon sa poll body, nasa 66 ang aspirants na nakapasok sa kanilang partial list na kinabibilangan ng mga re-electionist at mga kilalang personalidad na mula sa iba’t ibang partido at tatakbong independent.

Kabilang sa pasok si Kingdom of Jesus Christ founder at leader Pastor Apollo Quiboloy, TV host na si Willie Revillame, aktor na si Philipp Salvador, abogado at singer na si Jimmy Bondoc at si dating Executive Secretary Vic Rodriguez.


Nasa 117 na aspirants naman ang maaaring ideklarang nuisance kabilang ang internet personality na si Francis Leo Marcos.

Nakasaad sa resulta ng naging executive session kahapon na inaatasan ang Office of the Clerk na agad i-raffle ang motu proprio petitions na para maideklara ang nuisance candidates.

Ang Law Department naman ang maghahain ng petisyon sa kaukulang Comelec Division para sa mabilis na resolusyon.

Facebook Comments