
Nailikas na ang mahigit 100 pamilya mula sa Southern Leyte bunsod ng pananalasa ng Bagyong Tino.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), patuloy ang kanilang pre-emptive evacuation na isinasagawa katuwang ang Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at iba pang lokal na ahensya sa mga mabababang lugar sa Southern Leyte.
Aabot sa 113 pamilya o 725 indibidwal ang nailikas at kasalukuyang nasa mga evacuation center.
Tuloy-tuloy naman ang monitoring at pagbibigay ng humanitarian assistance ng Coast Guard sa mga apektadong lugar upang matugunan ang pangangailangan ng mga evacuee.
Isinagawa ang mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente habang patuloy na lumalakas ang epekto ng Bagyong Tino.









