Mahigit 100 party-list group organizations, aprubado na ng COMELEC para sa 2022 national election

Inaprubahan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang mahigit isang daang party-list organizations na lalahok sa darating na 2022 National Elections.

Ayon kay Comelec Clerk of Commission Atty. Genesis Gatdula, sa 245 na naghain ng aplikasyon o petisyon, 102 sa mga ito ang naaprubahan ng poll body.

100 ay “existing” na partylist organizations, habang dalawa sa naaprubahan ang bagong rehistro.


May isa na lamang party-list case na nakabinbin dahil na-reset ang pagdinig dito.

Sa ngayon, inatasan na ng Comelec ang mga naaprubahang party-list group ay na i-publish ang “manifestation of intent to participate” para sa pambansang eleksyon sa susunod na taon.

Facebook Comments