Mahigit 100 party-list groups, tinanggihan ang aplikasyon para sa paglahok sa 2022 elections

Tinanggihan ng Commission on Elections (Comelec) ang aplikasyon ng mahigit 100 party-list groups na nais lumahok sa 2022 elections.

Base sa inlabas na Comelec Resolution 10735, hindi nila tinanggap ang isinumiteng motion for reconsideration ng 107 party-list groups habang 13 naman ang itinuturing na pending incidents.

Tinatayang nasa 165 party-list groups ang lalakok sa raffle sa December 10 upang malaman ang pagkasunud-sunod nila listahan ng opisyal ng balota.


Binibigyan lamang ang mga botante ng isang party-list group na pwedeng iboto para sa halalan ngayong May 9, 2022.

Facebook Comments