Aabot sa 150 na pasahero ang naserbisyuhan ng Libreng Sakay ng DZXL 558 Radyo Trabaho at Radio Mindanao Networks katuwang ang ACS Shield Bath Soap.
Nagsimula ang libreng sakay kaninang umaga na may biyaheng Boni Stop and Shop Vice Versa.
Ang mga nasabing pasahero ay pawang mga estudyante, mga nagtatrabaho sa opisina at supermarket, mga mommy at daddy, senior citizens at iba pa na mula sa Mandaluyong City at Maynila at sa iba pang lungsod.
Lubos ang ngiti at saya nila sa Libreng Sakay at sa mga natanggap nilang regalo gaya ng cash prize, gift packs at hygiene kits.
Ang Libreng Sakay ay hatid ng RMN Networks, DZXL 558 Radyo Trabaho at ACS Shield Bath Soap, “Napatunayang Mabisa, Nurse Tiwala”.
Facebook Comments