Mahigit 100 pasahero, stranded sa 8 pantalan dahil sa epekto ng Bagyong Kristine

Nasa 143 na mga pasahero ang stranded ngayong araw sa walong pantalan sa CALABARZON dahil sa epekto ng Bagyong Kristine.

Sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kabilang sa mga non-operational na mga pantalan ay ang Lucena port, Cotta port, Mauban port, Atimonan port, Guinayangan port, Salome port, at San Andres port na lahat ay matatagpuan sa lalawigan ng Quezon.

Hindi rin muna pinayagang makapalaot ang 26 na rolling cargos, limang cargo vessels at siyam na motorbancas.


Kaugnay nito, pinapayuhan ng NDRRMC ang mga biyahero sa mga lugar na hinahagupit ng bagyo na huwag munang magpunta sa pantalan at hintayin ang abiso ng mga awtoridad upang maiwasang ma-stranded.

Facebook Comments