Mahigit 100 pasyente, naospital matapos ang pagsabog ng bulkang Taal

 

 

Umabot na sa 105 pasyente ang nadala sa mga pagamutan matapos ang pagputok ng bulkang Taal.

 

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, ang nasabing mga pasyente ay na-admit sa mga pagamutan dahil sa hypertension at pulmonary complaints.

 

Sa nasabing bilang 16 ang agad na na-confine sa ospital pagkatapos ng pagsabog ng Taal volcano.


 

 

Kasabay nito tiniyak ni Domingo na aabot sa P5.4 million na halaga ng mga gamot at supplies ang naipagkaloob na ng DOH at nailipat sa kanilang units sa Calabarzon.

Facebook Comments