Manila, Philippines – Masisibak sa pwesto ang nasa 160 pulis dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na droga.
Ito’y bahagi ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) na linisin ang kanilang hanay.
Ayon kay PNP Office Oranizational Development Officer in Charge, Atty. Maria Lynnberg Constatinopla – naisumite na kay PNP Chief Ronald Dela Rosa ang rekomendasyon ng PNP Internal Affairs Service (PNP-IAS) sa mga pulis na may kinakaharap na kasong administratibo.
Kabilang na si Supt. Maria Christina Nobleza na siyang humingi ng pagsaklolo sa kasintahan nitong Abu Sayaff na si Renierlo Dongon.
Sinabi naman ni PNP Spokesperson, Chief Supt. Dionardo Carlos – iniimbestigahan na rin nila ang koneksyon sa ilegal na droga ng mga naarestong miyembro ng Maute Group.
Sa taya ng PNP, pinakamaraming pulis sa National Capital Region (NCR) ang gumagamit ng ilegal na droga mula PO1 hanggang superintendent.