Mahigit 100 pulis, nasibak sa serbisyo ngayong taon; Counter Intelligence Operation laban sa mga tiwaling pulis, palalakasin ng PNP

Mas palalakasin pa ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang Counter Intelligence Operation para matukoy ang mga pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidad.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, mahigit isang daang pulis na ang nasibak sa serbisyo hanggang ngayong Pebrero dahil sa iba’t ibang kaso.

Hindi pa kasama rito ang sampung pulis na nasibak din sa serbisyo dahil sa umano’y illegal arrest ng ilang Chinese nationals sa Parañaque City noong Setyembre ng nakalipas na taon.


Kasunod nito, patuloy ang babala ng PNP sa mga pulis na nasasangkot sa iba’t ibang ilegal na aktibidad na hindi sila sasantuhin at magtutuloy tuloy ang paglilinis sa kanilang hanay.

Facebook Comments