Mahigit 100 sasakyan, 2,000 tauhan, dineploy ng PNP sa Metro Manila para sa transport strike

Nagpakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 105 sasakyan sa National Capital Region (NCR) para umalalay sa commuters sa gitna ng ikinakasang transport strike ng grupong Manibela.

Sa ulat ni National Capital Region Police Office Acting Regional Director PBGen. Melencio Nartatez Jr., kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., 88 sasakyan mula sa limang police district, at 17 sasakyan mula sa NCRPO ang dineploy para sa “Libreng Sakay” simula kaninang alas-4:00 ng umaga.

Habang naka-standby rin aniya ang mga patrol vehicle ng PNP sa Metro Manila kung sakaling kakailanganin.


Nasa 2,245 tauhan din ng NCRPO ang dineploy sa areas of concern, partikular na sa passenger pick-up and drop-off points para bantayan ang posibleng tensyon sa pagitan ng mga drayber na kasama sa nasabing tigil-pasada at sa mga namamasadang tsuper.

Kabilang sa dineploy ang 871 Civil Disturbance Management contingents, 995 pulis sa major thoroughfares, 292 sa transportation hubs/terminals, 476 sa commercial areas, 657 sa iba pang places of convergence, at 633 tropa ng Reactionary Standby Support Force.

Facebook Comments