Mahigit 100 sibilyan, nailigtas ng tropa ng pamahalaan sa ika-11 araw ng Marawi crisis

Lanao Del Sur, Philippines – Nailigtas ng Lanao Del Sur Provincial Crisis Committee ang 182 indibidwal na kinabilangan ng mga Kristiyano at Muslim-Maranaos na naipit sa kaguluhan ng Marawi City, Lanao Del Sur.

Dahil dito, ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, commander ng Western Mindanao Command – aabot na sa 1,236 ang kabuuang bilang ng mga narescue habang nasa 20 sibilyan naman ang nasawi sa nagpapatuloy na sagupaan.

Sabi pa ni Galvez, dumanas ng matinding gutom at uhaw ang mga narescue nila kung saan hindi rin aniya nakakatulog sa gabi ang mga ito dahil sa matinding takot.


Dagdag pa nito, maging ang mga kapwa Maranao ay pinapatay din ng Maute Group kapag hindi nila nabigkas ng tama ang kanilang dasal.

Samantala, sinabi naman ni ARMM assemblyman Zia Alonto Adiong na kabilang sa naiipit sa gulo ay si dating ARMM deputy Govenor Nurrudin Alonto Lucman.

Kaugnay nito, tiniyak ni Galvez na ginagawa nila ang lahat ng paraan upang maibalik sa normal ang pamumuhay sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments