Manila, Philippines – Aabot sa 102 mga silid aralan ang hindi na magagamit matapos tumama ang magnitude 6.5 na lindol sa Eastern Visayas.
Ayon kay DepEd-Estern Visayas Information Officer Jasmin Calzeta, nasa 237 naman na mga classroom ang dapat ayusin dahil sa mga bitak sa Tacloban, Biliran, Ormoc at Leyte.
Aniya, mahigit P184-milyon ang pinsalang idinulot ng lindol sa mga paaralan.
Sinabi ni Calzeta na inirekomenda na nila sa mga paaralang malapit sa mga evacuation areas na tanggapin muna ang mga estudyanteng naapektuhan ng lindol.
Facebook Comments