
Mahigit 100-thousand na mga pasahero ang dumagsa ngayong araw sa mga pantalan sa bansa.
Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 64,408 sa mga ito ang outbound passengers habang 52,243 ang inbound passengers.
Sa 16 PCG districts, nakapagtala rin ang Coast Guard ng 395 na mga barko at 887 motorbancas.
Iginiit naman ng PCG na mananatili sa heightened alert ang kanilang districts, stations, at sub-stations hanggang sa January para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Pinapayuhan din ang mga pasahero na mangangailangan ng tulong na makipag-ugnayan lamang sa kanila sa pamamagitan ng official Facebook page o di kaya ay sa Coast Guard Public Affairs Service sa 0927-560-7729.
Facebook Comments










