Mahigit 100 tindahan sa shopping center, pinadlock ng BIR

Pinadlock ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa pangunguna ni Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., ang 103 tindahan sa isang chain of shopping centers dahil sa kabiguan na iulat ang kanilang benta.

Sa imbestigasyon ng BIR, ang naturang chain of shopping centers ay gumamit ng unregistered Point of Sales (POS) machine na ang ilan ay may sales suppression devices habang ang iba ay gumagamit ng software na iba mula sa naaprubahan ng BIR.

Sa isinagawang test-buy operation, natuklasan ng BIR sa makina na nasa 25% lamang ang nagre-report ng kanilang sales kaya bumaba ang kanilang taxable sales.


Ang chain of shopping centers ay napatunayang lumabag sa Section 115 ng National Internal Revenue Code (NIRC) at Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 3-2009.

Facebook Comments