Mahigit 1,000 bagong kaso ng HIV, naitala nitong Hunyo – DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) na mahigit 1,000 bagong kaso ng Human Immonudeficiency Virus (HIV) sa bansa nitong Hunyo.

Ayon sa DOH Epidemiology Bureau – pumalo sa 1,006 na indibidwal ang nagpositibo sa HIV na mas mataas sa 993 na naitala noong nakaraang taon sa kaparehong buwan.

Kaugnay nito, nasa 19 percent o 194 na kaso ang may clinical manifestation ng advanced HIV infection.


Nangunguna sa dahilan ng patuloy na pagtaas ng kaso ng HIV ang sexual contact na nasa 983 kaso o 98 percent ng kabuuang bilang ng may HIV.

Facebook Comments