Mahigit 1,000 bahay, natupok sa malaking sunog sa Davao City; ₱9-M danyos, naitala

Iniimbestigahan ng Davao City Fire District ang mitsa ng sunog na naganap sa Barangay 21-C at 22 sa lungsod noong Sabado ng hapon.

Sa panayam ng RMN Davao kay Senior Fire Officer (SFO) 4 Ramil Gillado, hepe ng Intelligence Investigation Section ng Davao City Fire District, tinitignan nila ang anggulong may sinunog na wire ang mga bata para kunin ang bronse nito.

Ayon kay Gillado, tinatayang nasa 1,200 kabahayan ang natupok kung saan mahigit isang libong residente ang apektado at wala namang casualty o nasawi sa insidente.


Katumbas ito ng ₱9 milyong halaga ng danyos.

Sa ngayon, nananatili muna sa evacuation centers ang mga apektadong pamilya at patuloy na humihingi ng tulong.

Bilang tugon, agad namang nagbigay ng ayuda ang lokal na gobyerno sa lungsod habang nakatakda namang magsagawa ng RMN Oplan Tabang ang DXDC RMN Davao para mamigay ng tulong.

Facebook Comments