Mahigit 1,000 barangay sa buong bansa ang padadalhan ng Show Cause Order ng Department of Interior and Local Government (DILG).
Kaugnay ito ng mga paglabag sa lockdown gaya ng sabong, tong-its, inuman, mga batang naglalaro sa kalsada at umano’y panghihingi ng bayad para sa quarantine pass at barangay ID.
Ayon kay DILG Usec. Martin Diño, nakakatanggap din sila ng mga reklamo hinggil sa mga opisyal ng barangay na pina-prayoridad ang kanilang mga kamag-anak para sa ayuda.
May mga ulat din na may mga nakatanggap ng cash aid ang ipinambibili lang ito ng iligal na droga.
Matatandaang una nang pinagpapaliwanag ng DILG ang nasa 50 barangay sa Metro Manila.
Facebook Comments