Mahigit 1,000 baril, nasamsam ng militar sa Maguindanao del Norte

Umaabot sa mahigit 1,000 iba’t ibang uri ng baril ang iprinesinta ng 6th Infantry (Kampilan) Division kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Roy Galido sa kanyang pagbisita sa Kampilan Headquarters kahapon, April 1, 2025.

Ayon kay Major General Donald Gumiran, Commander ng 6ID at Joint Task Force Central, kabilang sa mga nakumpiska nila ang 761 firearms mula noong isang taon at 270 na mga armas na nakolekta sa ilalim ng Small and Light Weapons Management Program.

Sinabi ni Galido na patunay lamang ito ng dedikasyon ng PA sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad, lalo ngayong nalalapit na ang 2025 midterm elections.

Bukod sa presentasyon ng mga armas, nakipagpulong din si Gen. Galido sa mga opisyal at kawani ng 6ID para sa “Talk to Troops” session kung saan sinabi nitong itinaas na ang subsistence allowance ng mga sundalo na mahalaga aniya para mapanatili ang kalusugan ng mga sundalo, hindi lamang habang sila’y nasa serbisyo kun’di pati na rin kapag sila ay nagretiro.

Facebook Comments