Inihayag ng pamunuan ng Department of Agriculture (DA) na may kabuuang 1,329 corn farmer beneficiaries mula sa Pangasinan ang nakatanggap ng tig-₱3,000 fuel discount card na nagkakahalaga ng ₱3,987,000.
Ayon sa DA, ang bigay na benepisyo sa kanila ay ipinagkaloob sa ilalim ng fuel discount program ng ahensya.
Paliwanag pa ng DA na makatutulong umano ito upang maibsan ang kanilang alalahanin sa epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo.
Kasabay nito, mapakinabangan din nila ang paggamit ng mga makinarya sa kanilang operasyon sa bukid.
Una nang pinagkalooban noong Agosto 30 ng fuel discount cards ang 725 corn farmers, mula sa Tayug, Natividad, Rosales, San Manuel, San Quintin at San Nicolas.
Sunod na pinagkalooban noong Agosto 31 ang 604 corn farmers mula sa Binalonan, Manaoag, Sison, at San Jacinto.