Posibleng sumampa sa 800 hanggang 1, 200 ang maitatalang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa sa katapusan ng Hunyo.
Ayon kay Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, mangyayari ito kung magtutuloy-tuloy ang pagtaas ng mga kaso ngayon.
Aniya, bagamat hindi pa ito tiyak, ginagamit nila ito bilang paghahanda sa posibleng pagtaas ng kaso.
Dagdag pa niya, ang pagtaas sa naitatalang kaso ay hindi matatawag na ‘surge’ dahil hindi naman ito biglaang pagtaas ng bilang.
Taliwas ito sa opinyon ni Health Secretary Francisco Duque III, na sinabing inaasahan ang posibleng “minor and short-lived” COVID-19 surge.
Matatandaang nitong sabado, Hunyo 18 naitala ng DOH ang pinakamataas na bagong kaso ng Covid-19 sa nakalipas na dalawang buwan kung saan umabot sa 585 mas mataas sa naitalang 539 na kaso nitong Biyernes.