Ipinag-utos na ni Justice Sec. Menardo Guevarra ang pagsasailalim sa Immigration Lookout Bulletin Order ng lahat ng mga presong napalaya mula sa New Bilibid Prisons sa ilalim ng Good Conduct Times Allowance law.
Kinumpirna ni Sec. Guevarra na lahat ng 1, 914 na Persons Deprived of Liberty o PDLs na nabigyan ng release order ay kasama na ngayon sa Lookout Bulletin ng Bureau of Immigration.
Inatasan ng DOJ ang mga tauhan ng Bureau of Immigration sa mga paliparan at pantalan sa buong bansa na i-monitor ang galaw ng mga napalayang inmates.
Sa kabila nito, aminado ang kalihim na sa ilalim ng ILBO, hindi basta-basta maaaring pigilan ang indibidwal na makalabas ng bansa.
Facebook Comments