Mahigit 1,000 loose firearms, nasabat ng PNP sa loob ng isang buwan

Mas lalong pinaigting pa ang kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa loose firearms o mga baril na hindi rehistrado.

Sa datos ng PNP, mula Enero hanggang June 9, 2023 umabot na sa 12,373 na mga baril ang kanilang nakumpiska sa iba’t ibang panig ng bansa.

Pinagsamang bilang na ito ng kanilang nasabat sa operasyon at mga baril na isinuko sa kanila.


Ayon kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na ang naturang bilang ay mas mataas ng mahigit 1,000 kumpara sa datos noong buwan ng Mayo.

Paliwanag pa ni Acorda Jr., mahigpit ang kautusan nito na paigtingin pa ang kampanya sa mga iligal na armas dahil banta ito sa seguridad ng publiko.

Samantala, maliban sa mga nakumpiskang baril, 3,905 na indibiwal naman ang kanilang naaresto dahil sa posesyon ng naturang mga iligal na baril.

Naniniwala naman si Acorda na dahil sa mga nabawasang loose firearms ay makatutulong ito sa pagpapababa ng bilang ng mga potensyal na krimen.

Facebook Comments