Umakyat na sa 1,920 na lumalabag sa minimum health and safety standards ang dinampot ng mga operatiba ng National Capital Region Police Office o NCRPO sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila kung saan 409 na iba pa ang nagmulta.
Ayon kay NCRPO Regional Director PMGen. Felipe Natividad, iginiit nito ang kanyang panawagan sa publiko na mahigpit na obserbahan ang kasalukuyang COVID-19 heath protocols and guidelines dulot ng pag-obserba sa araw-araw na pagtaas ng mga kaso sa Metro Manila.
Paliwanag ni Natividad na ang naturang polisiya ay upang matiyak na ligtas ang komunidad lalung-lalo na ang mga kabataan at matatanda na maprotektahan sa nakamamatay na sakit.
Matatandaan na base sa record ng Department of Health (DOH) mula June 20 hanggang June 26, 2022,umaabot sa kabuoang 4,364 mga bagong kaso at may average na 662 mga kaso bawat araw kung saan 53% na mas mataas na naitala mula June 13 hanggang June 19, 2022,kung saan, 591 sa nasabing mga kaso nasa kategoryang malala at nagresulta sa 14.9% ICU bed utilization at 18.1% non-ICU bed utilization.
Binigyang diin ni Natividad na kinakailangang paalalahanan ang publiko na ang naturang virus ay nandiyan pa rin at walang garantiya na tayo ay matagumpay sa laban na hindi nakikita.