Mahigit 1,000 mga manggagawa ang maaaring maapektuhan ng pagsasapribado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ngayong 2024.
Ayon sa Samahan ng mga Manggagawa sa Paliparan ng Pilipinas (SMPP) na kumakatawan sa mga manggagawa sa operasyon at maintenance ng NAlA, bukod sa pagkawala ng trabaho ng mahigit 1,000 empleyado ng airport, magdudulot din ito ng pagtaas ng bayarin sa airport na papasanin ng pasahero at Overseas Filipino Workers.
Wala rin anilang matibay na katibayan na ang privatization ay makapagbibigay ng benepisyo sa mga empleyado, pasahero, at taxpayers.
Kinatigan din ito ng International Air Transport Association (IATA), ang global body na kumakatawan sa commercial airlines.
Facebook Comments