Mahigit 1000 mga menor de edad target na mabakunahan ngayong araw sa SM Sucat Parañaque City.

Tiwala ang pamunuan ng Parañaque City Government na mababakunahan ngayon maghapon ang 1,100 na mga kabataan na may edad 12 anyos hanggang 17 anyos sa SM Sucat Parañaque City.

Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, makakatanggap ng mga chocolates ang lahat ng mga menor de edad na mabakunahan ngayong araw.

Hindi naman nag- aalinlangan ang mga kabataan na babakunahan ngayong araw katunayan umano mismo ang mga kabataang menor de edad ang nagyaya pa sa kani-kanilang mga magulang na samahan sila sa mga vaccination sites para magpabakuna.


Hinikayat din ni Dra. Olga Virtusio, ang mga magulang na agad na magpa rehistro sa kanilang website at sakaling nakarehistro na maari parin nilang bakunahan kahit hindi naka schedule dahil marami aniya ngayon na stock na bakuna ang naturang lungsod para sa mga kabataan.

Facebook Comments