Umaabot sa 1,200 seafarer at Overseas Filipino Workers (OFWs) ang tumanggap ng unang turok ng bakuna sa Palacio de Manila kung saan isinagawa ang symbolic vaccination.
Pinangunahan mismo ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan ang symbolic vaccination laban sa COVID-19 kasama ni Mayor Isko Moreno at iba pang opisyal ng gobyerno.
Ayon kay Secretary Harry Roque, walang favoritism sa sektor ng mga marino dahil sa Pfizer vaccine ang inilaan sa kanila, at walang nalalabag na equal protection clause dahil kung hindi bibigyan ng Pfizer ang mga seaman ay maaaring hindi sila makasakay sa mga barko.
Samantala, nilinaw naman ni Secretary Vince Dizon na hindi ang mga seaman at mga OFW ang namimili ng bakuna kundi ang mga potential employer nila.
Nasa 2.2 milyong doses ng Pfizer vaccine ang inilaan para sa mga seaman at OFW ngunit ito ay hahatiin muna kaya 1.1 milyon muna para sa first dose at sakaling matagalan ang pagdating ng supply ng Pfizer ay ang natitirang 1.1 milyon na vaccine ang gagamitin para sa second dose.