Aabot sa 1,124 na bagong kaso ang naitala ng Department of Health (DOH) sa bansa mula Mayo 2 hanggang 8, 2022.
Batay sa DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 161.
Ito ay mas mababa ng 20 percent kung ikukumpara sa mga kaso noong Abril 25 hanggang Mayo 1.
Sa mga bagong kaso, 14 sa mga ito ang may malubha at kritikal na karamdaman.
Nasa 42 naman ang mga pumanaw kung saan walo ang naitala Abril 25 hanggang May 8.
Mayroon namang 611 na malubha at kritikal na pasyenteng naka-admit sa mga ospital dahil sa COVID-19.
Sa 2,817 Intensive Care Units (ICU) beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 474 o 16.8 percent ang okupado.
Habang nsa 15.4 percent ng 23,818 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.
Patuloy naman ang paalala ng kagawaran na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19 at ipagpatuloy pa rin ang tamang pagsunod sa minimum public health standards.