Umabot sa 1,158 mga pasyente ang gumaling na sa COVID-19 habang umabot na sa 3,057 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pasig City.
Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, kabuuang 1,747 ang aktibong mga kaso at 152 ang mga nasawi kung saan ang Barangay Pinagbuhatan pa rin ang nananatiling may pinakamataas na kumpirmadong kaso na may bilang na 491, sinundan ang Barangay Manggahan na may kumpirmadong kaso na 271, 84 ang nakarekober, pito ang nasawi at 180 ang aktibong kaso.
Nasa ikatlo pa rin ang Barangay Rosario na may 261 kumpirmadong kaso, 86 ang nakarekober, 10 ang nasawi at 165 ang active cases.
Paliwanag ng alkalde, mayroong tatlong maliliit na barangay ay may kakaunting kaso na naitala at walang naiulat na kaso ng nasawi, ang Bagong Katipunan ay may tatlong kumpirmadong kaso lamang, dalawa ang nakarekober kaya isa ang aktibong kaso na lang ang binabantayan.
Ang Barangay Oranbo naman ay may pitong kumpirmadong kaso lamang, lima ang nakarekober at dalawa active cases, samantalang ang Barangay San Jose ay may kimang kumpirmadong kaso lamang at tatlo ang nakarekober kaya dalawa aktibong kaso na lamang ang kanilang mino-monitor.
Dagdag pa ni Mayor Sotto na nakahanda na ang PCR machines ng Molecular Lab at gayundin sana ang mga staff nito ngunit naantala ang iskedyul sa pagsasanay na pangungunahan ng Department of Health (DOH) bilang isang kahilingan, na gaganapin sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa Alabang.