Mahigit 1,000 nakilahok sa idinaos na job fair ng Quezon City PESO

Umabot sa kabuuang 1,475 ang mga lumahok sa idinaos na Mega Job Fair ng Quezon City PESO katuwang ang Radyo Trabaho Program ng DZXL 558 RMN Manila kahapon sa Trinoma, Activity Center.

Tatlumpu’t pito rito ang hired on the spot habang umabot naman sa 191 ang pumasa sa initial interview kung saan 29 sa mga ito ang for requirements na.

Isang daan animnapu’t apat (164) naman ang lumapit sa booth ng DZXL Radyo Trabaho para magtanong tungkol sa mga programa na maari nating maibigay sa kanila.


Karamihan sa mga ito ay mga senior high school student ng Quezon City Science High School at Eugenio Lopez Jr. Center for Media Arts na naghahanap ng work immersion.

Ilang pribadong kumpanya din ang nais na makipagtie-up sa DZXL Radyo Trabaho.

Nabatid na ito ang kauna-unahang immersion and employment caravan ng Citi Foundation-Philippines Business for Education, na inorganisa ng Lovelife Project sa pamamagitan ng Quezon City PESO kung saan official radio partner ang Radyo Trabaho.

Samantala, bumibyahe na ngayon ang team ng DZXL Radyo Trabaho sa Valenzuela City Astrodome para sa Local and Overseas Mega Job Fair ng Valenzuela City-PESO.

Magsisimula ang registration alas-8:00 ng umaga at magtatapos bandang alas-3:00 ng hapon.

Kaya ano pa ba ang hinihintay ninyo, maligo na, magbihis at magdala ng maraming resume.

Bisitahin din ang aming booth at maipaliwanag sa inyo kung papaano namin kayo matutulungan na makapaghanap ng trabaho.

Basta pursigido ka at maniwala sa inyong kakayahan. Magkakatrabaho ka!

Sa Radyo Trabaho – walang personalan, trabaho lang!

Facebook Comments