Mahigit 1,000 pamilya, inilikas na sa Caraga Region dahil sa banta ng Bagyong Auring

Mahigit 1,000 pamilya ang nailikas mula sa Caraga region dahil sa banta ng Bagyong Auring.

Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) Caraga, aabot sa 1,241 na pamilya o katumbas ng 4,874 indibidwal ang inilikas bago pa man manalasa ang bagyo.

Karamihan sa mga inilikas ay dinala sa 36 na mga evacuation sites, habang ang iba ay namamalagi sa kanilang mga kamag-anak.


Nasa 309 na pamilya ang namamalagi na sa evacuation site sa Surigao del Norte, habang 739 naman sa Surigao del Sur.

Mayroon nang naitalang 31 na mga bahay na bahagyang nasira sa Surigao de Norte habang 13 naman sa Surigao del Sur.

Facebook Comments